Limot na ng buwan ang pagningning ng talà
- EB Perez-Bellen
- Aug 19, 2020
- 1 min read
Limot na ng buwan ang pagning ng talà
Limot nang tanglaw ang pagitan ng bawat kislap--- gaano kalawak ang saklaw ng bawat andap na sa alaala'y labas na rin kung kailan huling nagunita; tila pang siguradong burdado noon sa tapiserya ng buwan. Dagli't burado sa hamog ng gabí ang pandanggong dinakila ng ninuno't siyentista, ng makata at ng manghuhula. Milya-milya ang patlang na minamalas ng buwan, sa gubat ng semento at salimuot ng lulan. Ang naiwan: tapiseryang danás ang lawak ng huwad na liwanag ng batong matatayog. Daig ng liwanag ng makinarya at ng higante ang rikit ng tutuldok na dating pumapagitna sa pangungusap ng kalawakan. Sikapin mang ipaalala ang ningning ng laksa-laksang giting, sa kapatagang punông punòng bato, limot na ng buwan ang pagningning nito.

Comments