top of page

Mandatoring Filipino

  • Writer: EB Perez-Bellen
    EB Perez-Bellen
  • Dec 30, 2022
  • 1 min read

Napag-usapan sa kuwentuhan kanina ang isang prop sa Kasaysayan 1 na ginagawang required ang paggámit ng Filipino sa mga papel at kahingian. Paulit-ulit ko itong sinasabi: hangga't ang bokabularyo, sintaks at balarila ng wikang Filipino ay primaryang hulmado sa Tagalog, HINDI dapat ito ginagawang mandatori sa mga sabjek na hindi naman tungkol sa wikang Filipino lalo para sa mga mag-aaral na matatas sa sarili nilang susòng wika.


Nananatiling opsyón ang paggamit ng Filipino ngunit kung hindi naman káyang maintindihan ng propesor ang Bicol ng isang Bicolanong mag-aaral hayaan niya siyang maghinuha sa Ingles, kung mas komportable ito sa kaniya!


Makatwiran lámang gawing mandatori ang paggamit ng Filipino para sa mga bona fideng conyo ng kamaynilaan na walang ibang wikang alam maliban sa Ingles at panís na Tagalog, nakatira sa mga gated subdivision at kung managinip ay sa Ingles din Utang na loob, matuto kayong mag-Filipino. Hayaan silang magdusa!



Lungsod ng Maynila Disyembre 2022

Comments


Magpadala ng mensahe

Salamat!

© 2023 by Train of Thoughts. Proudly created with Wix.com

bottom of page